Ito na yata ang isa sa malungkot na pasko na dadaan sa buhay ko. I thought we'll be spending our christmas with HIM but unfortunetly hindi pala...He went to other side of the world again for a work. Ewan ko, di kami laging magkasundo...madalas magka away kami...nagtatalo...madalas din sinasabi ko sa sarili ko na Mas mabuti pa nga na nasa ibang bansa sya at least hindi kami nag aaway. But Yesterday, Dec. 21, 2006 kung kelan apat na araw na lang ay pasko na ay hinatid namin sya sa Airport para bumalik sa England kung saan sya nagta trabaho. Habang papunta kami sa Airport di ko pa nararamdaman ang lungkot o kung maiiyak ba ako. Pero ng bumaba sa sya ng sasakyan at umalis na kami pauwi...bigla akong naiyak. Naisip ko na kahit lagi kaming di nagkakaintindihan, gusto ko pa din syang makasama ngayong pasko. Di na kami nakapag usap ng maayos bago sya umalis kaya itinext ko nalang sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Nag reply naman sya...at naramdaman ko naman na nalulungkot din sya tulad ko...namin dito na iniwan nya. Isa nanamang pasko na wala sya. Sa tagal...nakakapag taka na hindi pa ako sanay. O talagang di na ako masasanay. Isa nanamang paskong wala sya...isa nanamang Malungkot na Pasko na baka matagalan pa bago maging masaya.

Original Date Posted :    December 22, 2006